Butingting

Naglalaman ito ng kung anu-anong mga imbento. Disenyo na nagawa dahil sa pagtitiyaga at pagmamahal sa aking ginagawa. Butingting.


Butingting #4: Scrap
Date: March 30, 2013

Habang lumilibot sa site kasama si Genesis, nakakita kami ng mga nakakamanghang mga bagay na patunay kung gaano kagaling at ka-artistic ang pinoy! Sabi ni Gen, iblog ko daw kaya eto na!

Mula sa scrap, nakagawa ang isang naming worker ng toolbox o kit para lalagyanan ng kanyang mga tools (screw driver, pako, martiyo, atbp.) 

Gamit ang 6" na PVC (ginagamit ito sa pipe chase), ito ang nagsilbing lalagyanan ng tools. Gamit naman ang 2" na PVC (ginagamit para lalagyanan ng mga electrical wires), ito ang nagsilbing hawakan. Screw ang ginamit pangkapit sa hawakan. Nag-cut sa 6" PVC na nagsilbing opening ng toolbox. Bumili siguro siya ng sariling bisagra at sariling lock para iwas magnanakaw. 



Para matakpan ang gilid, iniit nila ang PVC para ma-flat. Ito rin ang ginamit na paraan para sa stand! Asteeg talaga!!!



Waiiiitttt lang there's more pa! Gamit ang srcap ng PVC na 6" na may takip, walang kahirap-hirap na nilagyan lang ng tali para may hawakan at magmukang bag. Mas madaling paraan ng toolbox made from scrap ang ginawa niya. 





Wala talagang masasayang kung gagamitin ang pagiging malikhain! Astig kayo mga kuya! :-)


Butingting #3: "French Tip
Date: June 12, 2012

Totoo namang mahirap magfrench tip sa sarili! Paano nga ba ito ma-aachieve? Dapat magtry ka ng magtry hanggang maubos ang isang bottle ng white nail polish! haha try mo! Pero may nadiscover si mother dearest! She gave me this kit na pwede kang magfrench tip mag-isa! O diba bongggaaaaa!!


The kit is composed of the following:

1. Sticker - pattern for the tip of the nails
2. Nail file
3. White pencil - for retouching
4. White, Pink and Clear Nail Polish

Tinry ko siyempreeee! The following are the steps to use the kit:


Step 1: Place the sticker
Step 2: Apply the White Nail Polish
Step 3: Apply the Pink or Clear Nail Polish (I applied the clear one)


San ba to mabibili? Nako pasalubong pala to from Mindanao. Nag summer vacae kasi si mother dear sa Butuan. Ayun. ^___^  



Butingting #2: "Terno"
Date: April 8, 2012

Super fun magkaron ng bff!! Tawag ko sa kanila friends in high places! When me, line and liz went out for cebu-bohol lakwatsa, we decided na "terno" ang mga damit namin! One outfit is maong shorts and white flowy top na may print na tao! Sila meron na ako wala pa! E mga tey, ang budgey ay enough lang for the trip! Eh sa forever 21 lang ako nakaisip na ganyang mga top!

Liz and Line with their white flowy with printed tao!
And so I figured something na pwede ako makatipid! I looked for an old t-shirt na may print na tao! I found my john lennon tshirt which is hanging na sakin kasi Mapua days ko pa siya ginamit.


And I bought this white sale top sa rob department sa waltermart! 50% off, dating 400, 200 na lang! And magic! tantanantanan..........
Bonggang terno na kami!!

Chris Line and Liz @ Crown Regency Towers @ Cebu







Butingting # 1: Price Tag
Date: January 23, 2012


Noong Chinese New Year, nag-garage sale ako sa aming probinsya at naimbento ang isang price tag na pumatok naman sa aking nanay at mga kapatid..

Ang disenyo ng tag ay galing sa website ng Regalong Pabahay. Konting edit lang at naglagay ng ribbon na white pang-kabit sa damit. Sa isang bond paper, nakaprint na ko ng 48 price tags. Naghanap ako ng card board o pwede ring folder para tumigas yung papel. Tinali ko lang yung ribbon sa cardboard at yun - Price Tag na siya!

Mga nagastos:
P30.00 - print (short bond paper)
P4.00 - ribbon (limang metro)


Marahil ay nagtataka kayo kung bakit tatlong bilog. Tatlo talaga yan. Yung pang-una at pangatlo ay pareho. Naklagay dun ay A1, A2, A3 etc. Ang numero ay para malaman yung dami ng damit. Yung letra naman ay indicator ko para malaman kung pang ilang batch ito na nilabas ko sa closet. Kaya sa susunod na maglalabas ako ng damit, "batch 2" naman sila kaya magiging B1, B2, B3 etc naman at sa pangatlong batch, C1, C2, C3 naman.



Kapag nabili na ang damit; ginugupit ko yung kanang dalawang bilog at tinatago.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.