Sabi nga nila start your year with a blast! Pero sabi ko naman "Start your year with a plan". Natutunan ko yan sa isang coach na nagngangalang Noel Tan. Ano bang ibig sabhin ko sa pagpaplano? Simple lang naman.. Para may guide ka sa lakbayin mo sa buong taon. Isama mo dito ang new year's resolution, mga last year's new year's resolution (haha!), mga pangarap, mga gala, mga events, mga pinag-iipunang gamit (iconsider mo naman yung kasya lang sa budget!), pagsh-shopping, carrer growth, career move, mga pinagdarasal at iba pa..
Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ka na open sa mga biglaang oportunidad na dumating sayo anytime of the year. Open pa rin.. Pwede mo rin kanselahin o i-urong yung mga na-plano mo na basta ba know your priorities. Bawal din ma-disappoint kung hindi natupad yung pinlano mo dahil may nangayaring hindi inaasahan o dahil hindi talaga naging successful, basta ang mahalaga ti-nry mo at desedido ka pa ring gawin iyon.. Madisappoint ka kung di mo talaga ginawa dahil tinamad ka..
Eto mga paglalakbay ko ngayong Enero para magplano:
Namili ako ng Planner, Belle De Jour ang tatak:
Binili ko to dahil hindi lang kikay pero useful din siya sa pagpaplano! (Isama na rin sa dahilan ang maraming voucher ng planner na to!) Masaya magplano habang umiinom ng kape, relaxed at tahimik (alam kong maraming mag-aagree saken).. Isa sa new year's resolution ko ang magsolo sa isang kapehan at mag-meditate once in a while...
1. Malusog na Pangangatawan:
Kailangan ng malusog na pangangatawan para may pantulong sa lahat ng mga plano mo. Dati ang ginawa kong exercise ay pagttreadmill.. Aba sobra talaga akong nabore.. Nakakalabinlimang minuto pa lang ako, hindi pa naman ako pagod pero binibilangan ko na yung oras para matapos na! Kaya umisip ako ng exercise na may thrill.. Naisip kong maghanap sa website dance class.. Nahanap ko ang Danzworks. Tamang tama within Makati lang din sila (kung saan din ako nakatira). Kaso mahal. Buti na lang ang kaibigan kong si Liezel Batac ay may inoffer na dance class sa Gold's Gym! Magstart na kmi (kasama si Caroline Lim) ngayong first week ng February.
Sabi nga nila, hindi lang sa pageexercise nakukuha ang malakas ng pangangatawan, pati rin sa kinakain.. Kilala ako ng lahat ng tao na choosy sa pagkain lalo na at hindi ako kumakain ng gulay.. Pero sabi ng katawan ko mag gulay na ko.. Sige na nga, paunti-unti! Fruits ko pa rin bobonggahan!
Okay after exercise at diet dapat alagaan din ang skin o panlabas na kaanyuan.. At dito na nagsimula ang kaartehan ko (haha!)
Tinry ko magpa-facial sa Dermstrata sa Greenbelt 1.
First time ko.. E pasensya na takot talaga ako magpafacial kasi nung highschool ako, yung mga classmate kong nagpapafacial nagsisilabasan ang mga pimples. Tapos nung college naman ako busy talaga ako puro aral ( you know) ahaha!! So ngayon ko na tnry.. Okay naman pala! Biglang lumambot ang face ko.. 500 pesos lang talaga yung facial pero dahil may mga fat deposits ako sa face, 100 daw yun bawat isa.. E lima yung akin kaya naging P1000 lahat!
2. Okay! Simula na ng Gala! Hinahangad kong makagala sa isang domestic at international ngayong taon..
Go na go na sa Cebu-Bohol Escapade!!
Eto ang draft ng aming napagplanuhan (as of January 29 2012):
March 22
7:00 PM - Arrival @ Mactan Airport
8:00 PM - Check-in Crown Regency Hotel
9 - 12PM - Rides @ Crown Regency
March 23
All Day - Cebu Escapade
March 24
Morning: Check-out Crown Regency Hotel
All Day - Bohol Escapade
Afternoon/Night - Go Back to Cebu
March 25
3:45 AM - Departure @ Cebu Airport
Sabi ko nga sa simula ng blog ay may mga hindi inaasahang mangyayari ang darating:
Ang biglaang Civil ng Wedding ng bff ko from highschool! Siyempre pupunta ako, bestfriend ko yun at nagpromise ako.. Bukod sa Wednesday ang petsa, aba sa probinsya pa nga.. Kaya nagleave ako at umuwi sa amin sa Bataan!
Gawing makabuluhan ang mga bakasyon:
Since wala pa kong plano sa dumating na bakasyon nung Chinese New Year, nag-garage sale ako para mareduce ko ang laman ng kabinet ko! Ayos din naman, for almost one day lang nka P850.00 din ako.
For more kwento sa part na to visit Butingting 1.
3. Birthday Month ko:
Sa May anf birthday month ko, sa totoo lang wala pa akong plano pero may naiisip pa lang.. Basta resrve tong month na to for something great!
4. Wedding Year ito!!
Ngayon lang ito mangyayari saaming pamilya kaya bongga ito! Ikakasal na ang isa kong ate.. Kaya busy-busyhan kmi sa paghahanda ng nasabing event.. Nakakaexcite din lalo na ang pagpaplano! Ikakasal din ang dalawa kong pinsan at si Leah ulit sa December.
5. Magbabasa ako ng libro!
Sa totoo lang hate ko talaga mabasa! Mas gusto ko na lang panuorin sa tv yung mga nasa libro.. Pero naisip ko babagal ang pick up ko sa mga bagay bagay kung hindi ko napapraktis ang english o paragraph skills ko (may ganun ba?) ahah.. Kaya dapat ngayong taon makadalawa o tatlong libro ako! Sa ngayon Chapter 10 na ko sa "The Power of Six" by Pittacus Lore. Binili ko yung libro last year pa, kamusta naman wala pa ko sa kalahati! Pero tatapusin ko yan ngayong Pebrero, PROMISE!! ahaha
6. Interior Design
Bukod sa pagiging inhinyero at pagiging fashionista, gusto ko rin magdesign ng loob ng bahay.. Ngayong taon, i-eenhance ko ang kaalaman ko sa pagdidisenyo. Mamimili ako ng magazines at magbabasa ng mga articles ng mga mgagaling na tao sa ganitong larangan.
7. Buy SLR/Iphone/EHD
Eto ang mga gadget na pangarap kong bilin – SLR/Iphone/EHD. Thank you kay God cause he gave me Siri last January as in start of the year pa lang! Galing ito sa dugo’t pawis ko sa pagtatrbaho! Ahaha! Ayos! =)
8. Haribon Foundation
Ito ang pangarap kong salihang org na tumutulong sa ating kalikasan! Sali na! ^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.