Martes, Pebrero 14, 2012

HAPPY V-DAY!

Naalala ko lang nung highschool.... Hinihintay ng mga kalalakihan ang araw ng mga puso dahil may pagbibigyan sila ng flowers o chocolates. Nakakatuwa lang kasi lahat ng barkada kong babae nabibigyan ng maraming bulaklak! Ako? hmmm... Nabibigyan din pero binibigyan ako ng mga kaklase kong lalaki as a sign of respect. ahaha! bitter? hindi naman.. totoo lang ang sinabi ko.. Anim kasi kaming barkadang babae, lahat sila may suitors.


Ang mga magaganda kong kaibigan nung high school.. (Siyempre galing sa baul pa yan!) 
 

 For example, isang boquet of flowers o tatlong piraso ng rose ang ibinibigay ng isang suitor sa barkada ko tapos as a sign of respect sa other five, binibigyan ng chocolate sa isang maliit na box. Tapos ako, ang nakukuha ko, limang maliliit na box ng chocolates! haha!! Siyempre teenager ako kaya nageexpexct din ako dati.. May inggit din akong naramdaman! Lalo na nung pinuno ng kaservice ko na barakada ko yung sasakyan ng bulaklak at balloons! Aba pwede nang magflower shop sa dami!! hehe.. Nakatanggap lang ako ng boquet of flowers nung JS Prom kasi ni-require ko talaga yung partner ko sa sayaw na bigyan ako! ahaha (kaibigan ko naman eh kaya okay lang magdemand!) At nuong may napanalunan ako sa JS dahil sa luck, nakatanggap din ako ng boquet.

JS Prom nung 4th year

Nung college naman, naalala ko nung 1st year college, may plus points daw sa prof kapag nakared ka. Aba nagred naman ako! Grab the opportunity! Pero ang ending, walang points at nakakahiya lang kasi ang daming nakapula! At pagnakapula ka daw parang naghahanap ka ng partner! Kaya nagsisi ako pag-uwi ko! ahaha! Nakatanggap din ako ng isang white rose mula sa isang espesyal na kaibigan nung college.. Kunwari surprise pero nakita ko kaya sa bag nia yun! ahaha!! Papano kasi dinemand ko rin na bigyan ako ng bulaklak! kalerky!

Ngayong working na ko, di ko maisip na icelebrate ang v-day kahit kasama ang pamilya o mga kaibigan. Di ko alam kung corny na ko? ahaha! Tapos kanina sa jeep nakita kong may hawak ng boquet of flowers yung lalaki kasama niya gf nia cguro o nililigawan, nasa isip ko "Buti na lang hindi ako yung babae" ahaha! kalokahan! dati inggit na inggit ngayon ayaw na.. labo! 

Basta siguro dapat everyday is v-day sa pakikitungo mo sa kapwa.. Feb 14 na lang siguro icelebrate yung maglalabas ka ng pera at kung anu-ano pang gastos! =) Happy V-day!









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.